HINDI PA KAYA | Palawan – kritikal sakaling magkaroon ng giyera sa WPS

Manila, Philippines – Kritikal ang palawan sakaling magkaroon ng giyera sa West Philippine Sea.

Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Dutere sa kanyang talumpati kagabi sa pagdiriwang ng kauna-unahang subaraw biodiversity festival sa Puerto Princesa City, Palawan.

Sabi ng Pangulo – tiyak na mapupunta sa probinsya ang mga lalampas na mga bala mula sa mga sasakyang pandigma dahil ito ang isla na pinakamalapit sa West Philippine Sea.


Muli rin namang iginiit ng Pangulo na hindi kaya ng Pilipinas na makipagdigma sa ibang bansa.

Pero aniya, hindi siya papayag na lagyan ng anumang mga armas na pandigma ang palawan sakaling nais ng ibang bansa na makisali sa tensyon sa West Philippine Sea.

Facebook Comments