Manila, Philippines – Siniguro ni Justice Sec. Vitaliano Aguirrena hindi babalewalain ang mga hindi pa nababayarang overtime pay ng mga Bureau ofImmigration employees.
Kasunod na rin ito ng mass leave ng ilang immigrationemployees dahil sa hindi nakukuhang overtime pay.
Magugunitang ipinanukala ni Sec. Aguirre na kunin angovertime pay ng mga immigration employees sa nakokolektang express lane feespero hinarang ni Budget Sec. Benjamin Diokno dahil labag daw sa batas at masmabuting punan na lamang ang mga bagong plantilla positions para maiwasan angkakulangan sa immigration personnel.
Ayon kay Aguirre – kinausap na niya ng masinsinan ang mgaBI-employees sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 kaugnay sakanilang overtime pay at salary increase.
Tiniyak aniya nito na ang mga immigration employees aybahagi ng DOJ family at alam nito ang kanilang mga sitwasyon kaya hinahanapanng solusyon sa lalong madaling panahon.
Kasabay nito, ipinaalala nito sa mga immigrationpersonnel ang kanilang sinumpaang trabaho at dapat manatili silang propesyunalat may integridad.
Hindi pa nababayarang overtime pay ng mga BI-employees – tiniyak ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre
Facebook Comments