Naniniwala si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Carlito Galvez na hindi pa napapanahon para alisin ang Martial Law sa Mindanao.
Paliwanag ni Galvez , kailangan pa rin ang Martial Law lalo na’t nagkalat pa rin ang mga loose firearms sa Mindanao na maaring magamit at maging banta sa seguridad.
Sa rekord aniya ng AFP, mula Enero nang taon na ito, 6,000 mga armas pa lang ang kanilang nakukuha.
Habang patuloy pa nilang hinahanap ang natitirang 80 porsyento mga armas na itinago sa pinangyarihan ng gyera.
Iginit naman ni Galvez na maganda ang implementasyon ng Martial Law sa Mindanao sa kabila nang pagkwestyon dito.
Sa katunayan aniya nakakatanggap sila ng papuri sa mga tao dahil nakikita umano nila ang ‘remarkable improvement’ sa peace and order sa lugar.