HINDI PA PINAL | Paglabas ng narco-list ni PDuterte na may pangalan ng mga pulitiko, hindi pa nadedesisyunan ng Pangulo

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na hindi parin nakapag dedesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung papayagan nito ang Dangerous Drugs Board na isapubliko ang nilalaman ng Drug list kung saan makikita ang mga pangalan ng ilang pulitiko at mga opisyal ng Pamahalaan na sangkot sa operasyon ng Iligal na droga.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, bilang pagtupad ni Pangulong Duterte sa kanyang tungkulin na paglingkuran at protektahan ang sambayanang Pilipino ay binabalanse pa ng Pangulo ang karapatan at interes ng lahat para matiyak na ang 2019 elections ay hindi lang magiging kapanipaniwala at mapayapa kundi maging tunay na reflective sa mga kagustuhan at kahilingan ng mga Pilipino.

Tiniyak din naman ni Panelo sa publiko na sakali mang ilabas ay hindi ito para maging propaganda na Pamahalaan para dungisan ang integridad ng mga kandidato.


Binigyang diin ni Panelo na ang tanging layon ng hiling na ilabas ang tinatawag na Drug list ay para mabigyang impormasyon ang publiko sa kung sino sino ba ang mga personalidad na dawit sa pagsira sa bansa sa pamamagitan ng pagkakalat ng iligal na droga.

Facebook Comments