HINDI PA PINAL | Peace talks, hindi pa maikukunsiderang kanselado – NDFP

Manila, Philippines – Hindi pa maikukonsiderang tuluyang kanselado ang peace talks sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at ng pamahalaan.

Ayon kay NDFP Chief Negotiator Fidel Agcaoili, maikukonsidera lamang na kanselado ang peace negotiations 30 araw matapos nilang matanggap ang written notice of termination mula sa gobyerno.

Bukod pa ito sa nilagdaang proclamation no. 360 ni Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan nakasaad na winawakasan na ng pamahalaan ang usaping pangkapayapaan sa mga komunistang rebelde.


Paliwanag pa niya, may mga kasunduang sinusunod ang peace negotiations ng GRP at NDFP, kaya inaasahan nilang maipapadala na agad sa kanila ang written notice of termination.

Sinabi din ni Agcaoili na naging “stressful” ang peace talks para sa lahat ng kasama sa negosasyon dahil sa mga outbursts ni Pangulong Duterte.

Pinaalalahanan naman ni Agcaoili si Duterte na walang sinumang makapamamahala sa isang bansa gamit ang “mafia-style” kung saan inaangkin bilang teritoryo ang bansa at nililigwak lahat ng uri ng oposisyon.

Facebook Comments