Manila, Philippines – Hindi pa maaaring magpadala ng Overseas Filipino Workers sa Russia at China.
Paliwanag ni Labor Secretary Silvestre Bello III, wala pa kasing bilateral agreements ang Pilipinas sa Moscow at Beijing.
Sa katunayan aniya, nasa 200,000 undocumented household workers ang nasa China na pinoproseso pa ang mga papel para maging legal ang pagta-trabaho doon.
Pinapayagan namang makapagtrabaho ang mga Pilipino sa Russia pero sa ilang piling trabaho lamang at kapag nakwalipika sa Russian work visa.
Bukod dito, kinakailangang dumaan din sa legal na proseso o recruitment sa ilalim ng batas ng Pilipinas.
Facebook Comments