Hindi pa raw ready si Jinkee Pacquiao sa ideya ng pagkakaroon ng girlfriend ng kanilang mga anak.
Kasunod ito ng instagram post ng pangalawa niyang anak na si Michael, 16-years old, kung saan kinumpirma nitong in a relationship sila ng malaysian singer na si Yazmin Aziz.
Habang single ang panganay nilang anak na si Emmanuel, 17.
Say ni Jinkee – open naman sa kanila ang kanilang mga anak at masaya siya na may respeto ang mga ito sa kanilang mag-asawa.
Nagpapalaam din naman daw ang mga ito kapag may hinahatid o sinusundong babae.
Dagdag pa ni Jinkee, enjoy siya sa pagiging full-time housewife dahil mas natututukan niya ang kanyang mga anak.
Facebook Comments