HINDI PA RIN LUSOT | Kahit naitalaga sa ibang pwesto – Faeldon, mananatili pa ring nakakulong sa Senado

Manila, Philippines – Kahit may bagong puwesto sa Office of Civil Defense, mananatili sa detention facility ng Senado si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Ayon kay Senador Ping Lacson, kahit muling na-appoint sa pwesto, hindi maaring basta palabasin si Faeldon mula sa pagkapiit sa Senado.

Bagaman hindi nila pwedeng diktahan ang Pangulo kung sino ang itatalaga, hindi rin naman aniya pwede diktahan nang Pangulo ang Senado.


Aniya, maaring pa naman italaga si Faeldon sa kanit na anong pwesto dahil hindi pa naman ito na-convict sa anumang krimen.

Facebook Comments