Hindi pa rin matuldukan na krisis sa Marawi, patunay na nararapat ang umiiral na martial law sa buong Mindanao

Manila, Philippines – Para kay Senator Francis Chiz Escudero, ang nagpapatuloy na gulo sa Marawi ay patunay na malala ang sitwasyon at kailangan talaga ang martial law sa buong Mindanao.

Ang mensahe ni Sen. Escudero ay para sa mga patuloy na tumututol sa deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law at suspensyon ng Writ of Habeas Corpus sa buong Mindanao.

Wala aniyang humpay ang karahasan na inihahasik ng Maute terror group sa Marawi City habang ang ating mga sundalo ay nagsisilap na ayusin ang sitwasyon sa lugar.


Tinukoy ni Escudero, ang patuloy na tumataas na bilang ng mga sundalo at inosenteng nasasawi at mga ari ariang nawawasak.

Giit ni Escudero, hindi madali para sa mga magigiting na sundalo at Marines ang ginagawa nilang operasyon sa bahagi ng Mindanao.

“Perhaps this is best proof of the gravity of the situation in Marawi contrary to the position taken by those opposing ML. The Maute Group just want to sow terror at any cost while our troops are trying to perform clearing operations with the least destruction of private property and loss of innocent civilian lives,” ayon kay Senator Escudero.
DZXL558, Grace Mariano

Facebook Comments