Iginiit ni vice presidential candidate Senator Francis “Kiko” Pangilinan na hindi pa tapos ang laban.
Nakikiisa si Pangilinan sa pahayag ni Vice President Leni Robredo na hindi pa tapos ang bilangan dahil sa ilang mga presinto ay hindi pa tapos ang botohan at may mga tanong tungkol sa proseso na hindi pa nasasagot.
Sabi ni Pangilinan, sa paggising natin at sa susunod na mga umaga ay mahirap pa rin ang ating mga magsasaka at mangingisda dahil hindi pa rin makakapangisda sa sarili nating karagatan ang ating mga mandaragat dahil ipagtatabuyan pa rin ng China.
Binanggit ni Pangilinan na hindi pa rin maibabalik ang ninakaw ng Pharmally, patuloy pa rin ang smuggling ng gulay, mataas pa rin ang presyo ng pagkain at marami pa rin ang gutom.
Ayon kay Pangilinan, ang sandata nila ay ang walang katulad na ginising nilang kilusan ng bolunterismo, bayanihan, pakikipagkapwa ay ipagpatuloy natin.
Diin ni Sotto, ngayon at sa mga susunod na bukas ay mas kakailanganin ang ginising na radikal na pagmamahal para sa kapwa Pilipino.
Hindi rin matatawaran para kay Pangilinan na sa lahat ng bahagi ng Pilipinas ay nakapagtanim sila ng malulusog na binhi ng pag-asa na kailangang alagaan.
Hiling ni Pangilinan na patuloy silang samahan ni VP Leni na patuloy na nagtitiwalang magwawagi rin ang katotohanan at sa huli ay pagmamahal ang magtatagumpay.