Hindi pa tapos ang laban para sa hustisya at pananagutan, ayon sa isang miyembro ng House prosecution team

Tiniyak ng miyembro ng House Prosecution Panel na si Manila Representative Joel Chua na hindi pa tapos ang laban at hindi sila magpapatinag sa hangaring itaguyod ang hustisya at pananagutan.

Diin ni Chua, nakabinbin pa ang Motion for Reconsideration na inihain ng Kamara na humihiling na baligtarin ng Korte Supreme ang pagdeklara nito na labag sa Konstitusyon ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Mensahe ito ni Chua makaraang magpasya ang Senado na i-archive ang impeachment case laban kay VP Duterte.

Giit ni Chua, ang hakbang ng nakararaming Senador ay pagkakait ng due process sa taumbayang humihiyaw ng pananagutan.

Facebook Comments