Hindi Pa Tapos!

Baguio, Philippines – Tag-ulan, may pasok sa eskwelahan, maputik na daan, trapik dito at doon.
Malaking parusa para sa mga araw-araw pumapasok sa eskwelahan at opisina sa Baguio City dahil sa mga ginagawang kalsada sa mga barangay.
Matatandaang Marso pa ng kasalukuyang taon inumpisahan ang mga kalsada at hanggang ngayon ay may mga kalsada pa ring hindi tapos.
Ang masamang panahon diumano ang isa sa mga dahilan kung bakit matapos ang anim na buwan ay hindi pa natatapos ang lahat ng kalsada sa Baguio City.

Facebook Comments