Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng Malacañang na maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay kinokontra ang lumulutang No-Election scenario para sa susunod na taon.
Ito ang sinabi ng Malacañang matapos itong palutangin ni Senate President Coco Pimentel at House Speaker Pantaleon Alvarez na mga kapartido ni Pangulong Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, binanggit ni Pangulong Duterte sa naganap na Cabinet meeting kagabi na hindi siya pabor sa pagpapaliban ng halalan sa susunod na taon.
Binigyang diin pa aniya ng Pangulo na kailangan maging tahimik, maayos at credible ang darating na halalan.
Pero sinabi din naman ni Roque na kung mapapalitan ang saligang batas bago ang 2019 elections ay susunod aniya si Pangulong Duterte dito.