HINDI PABOR | Panukalang pagbababa ng edad ng mga maaaring managot sa batas, tinutulan

Manila, Philippines – Nagpahayag ng pagtutol si CBCP’s Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (CBCP), Executive Secretary Rodolfo Diamante sa panukalang isinusulong na ibaba sa trese anyos ang edad na mamaaring pananagutin sa batas.

Ito ayon kay Diamante, ay dahil naniniwala siyang biktima lamang ang mga kabataan sa mga seryosong problema ng bansa. Kabilang na dito ang kahirapan.

Sa halip aniya na isulong ang pagamyenda sa Juvenile Justice Welfare Act, mas makabubuti aniya na pagtutunan ng pansin ang iba pang problema ng bansa, at ang pagpapasa ng batas na aayos sa sitwasyon ng mga kabataan sa Pilipinas.


Matatandaang, isinusulong ni Sen Tito Sotto ang Senate Bill 2026 o pag amyenda sa Republic Act 9344 o Juvenile Justice Welfare Act, kung saan mula sa 16 anyos ay ibaba sa 13 anyos ang edad ng mga maaaaring papanagutin sa batas.

Facebook Comments