HINDI PABOR | Simbahan, ayaw na sa magarbong kasalan

Manila, Philippines – Hindi pabor ang Santuario de San Antonio Parish sa
Forbes Park Makati sa nakagawian at nagiging kultura na magarbong kasalan
sa hanay ng mga mananampalatayang Katolika.

Ang paglilinaw ay ginawa ng Archdiocese of Manila alinsunod na rin sa
pahayag ni Father Reu Jose Galoy, kura paroko ng Santuario de San Antonio
Parish sa Forbes Park Makati, na dumi-discourage sa marangyang kasalan.

Ayon sa opisyal ng Archdiocese of Manila, naaabuso rin ang Simbahan sa mga
seremonya ng kasal kung saan ay nagagamit ang kanilang pasilidad sa mga
lihim na agenda upang makilala bilang mayayaman at tanyag.


Pinuna rin ng Archdiocese of Manila ang mga wedding organizer/wedding
planers, coordinators, event organizes na ginagawa ng negosyo ang
pagpapakasal kung saan sila ang nagtatakda kung magkano ang gagastusin ng
mag-asawa o magpapakasal.

Ang Santuario de San Antonio Parish ay isang Franciscan Church na
kongregasyong kilala sa misyon ng pagtulong sa mga mahihirap sa pamamagitan
ng mga programang makapagpapaalwan at makapagpapaangat sa buhay.

Nais ng Santuario de San Antonio -Parish na gisingin ang kamalayan ng mga
magpapakasal sa kanilang magarbong church wedding at paggamit ng Simbahan
na instrumento sa kanilang hangarin na mapabilang sa mga kilala sa Lipunan.

Facebook Comments