Hindi pag-apruba ng pangulo sa mungkahing zero o mababang taripa sa imported rice, pabor sa mga magsasaka

Ikinalugod ni House Committee on Social Services Chairman, at Nueva Ecija 3rd District Rep. Rosanna “Ria” Vergara na hindi tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mungkahi na ibaba o bawasan ang taripa sa imported na bigas.

Para kay Vergara, ang desisyon ni pangulong Marcos ay isang napakagandang balita para sa mga magsasaka.

Ayon kay Vergara, maraming mga magsasaka ang kinabahan sa naturang mungkahi ng Department of Finance.


Paliwanag ni Vergara, ito ay dahil tiyak makakasakit sa hanay ng mga magsasaka ang mababa o hindi pagpapataw ng taripa sa inaangkat na bigas kahit pa mapababa nito ang presyo ng bigas sa bansa.

Facebook Comments