Hindi pag-brownout sa panahon ng El Niño, hindi masiguro ng DOE kahit sapat ang suplay ng kuryente

Hindi sigurado ang Department of Energy (DOE), na hindi magkakaroon ng brownout sa bansa kahit pa sapat ang suplay ng kuryente.

Sa bagong Pilipinas ngayon, sinabi ni Department of Energy Assistant Secretary Mario Marasigan, na sa kasalukuyan ay hindi nila nakikitang magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng kuryente kahit pa may severe El Niño sa susunod na taon.

Sa katunayan, batay sa kanilang monitoring sa lagay ng suplay ng kuryente nakikita nilang mababa pa rin ang actual demand kumpara sa projection nila.


May abiso na aniya sila sa mga power generating facilities, na hangga’t maaari ay huwag magpatupad ng preventive maintenance habang may El Niño.

Sa kabila nito, inamin ni Marasigan na hindi nila masigurong walang mararanasang brownout dahil sa ilang dahilan.

Gaya na lamang ng pagpapalipad ng saranggola na posibleng sumabit sa linya ng kuryente na posibleng magdulot ng pagkawala ng suplay ng kuryente.

Facebook Comments