Iginiit ni Senator Lito Lapid na hindi na dapat obligahin ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na sumalang pa sa Continuing Professional Development (CPD) Programs ng Professional Regulations Commission (PRC).
Sa Senate Bill 2349 na inihain ni Lapid, layunin nito na amyendahan ang Republic Act No. 10192 o ang Continuing Professional Development Act of 2016.
Sa ilalim ng batas ay required ang lahat ng mga professionals kasama na ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na kumuha ng CPD Units at isusumite nila ito bilang ebidensya kapag sila ay nag-renew ng lisensya.
Bagamat may exemption sa CPD na ibinigay sa mga Professional OFWs, binigyang diin ng senador na kailangan ng batas para maging permanente na ito.
Katwiran ni Lapid, malaking gastos at abala para sa mga OFWs ang kumuha pa ng mga seminar at trainings na kalimitan ay ibinibigay dito sa Pilipinas.
Nilinaw naman ng mambabatas na kaisa siya sa layunin ng Continuing Professional Development Programs para sa pagpapalakas ng professional excellence ng bansa ngunit kakaiba at kailangang ikunsidera ang sitwasyon ng mga OFWs.