Inatasan ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang NBI na sakaling may sapat na ebidensiya ng kurapsyon ay sampahan agad ng kaukulang kaso ang mga indibidwal na sangkot sa katiwalian sa PCSO.
Kasunod ito ng pagpapalabas ni Guevarra ng Department Order 384 nag nag-uutos sa NBI na simulan na ang case build-up at imbestigahan ang graft and corruption sa ibat-ibang gaming operations ng PCSO.
Partikular na sisilipin sa imbestigason ng NBI ang hindi pag-re-remit ng tamang kita sa gobyerno ng mga lotto outlets at iba pang palaro ng PCSO.
Nauna nang sinabi ng Kalihim na may kapangyarihan ang Pangulo na suspendihin ang operasyon ng PCSO o i-terminate ang mga lisensiya ipinagkaloob nito sa mga operator dahil sa isyu ng katiwalian o anomalya sa operasyon nito.