
Naglabas ng himutok ang Peach Movement sa kawalan pa rin ng aksyon ng Kongreso sa mga nakahaing impeachment case laban Kay Vice President Sara Duterte.
Sa panayam ng media kay dating Finance Undersecretary Cielo Magno sa sideline ng indignation rally against corruption sa EDSA Shrine, sinabi niya na dapat gawin ng Kongreso ang kanilang mandato.
Sinabi pa ni Magno na inaliw lang ang publiko sa mga pagdinig ukol sa confidential funds pero basta na lamang itong iniwan pagkatapos ipasa ang 2025 National Budget.
Bagama’t malabo nang umusad ang impeachment ng bise presidente ngayong 19th Congress, hindi pa rin aniya titigil ang mga progresibong grupo sa pagsusulong ng pag-hingi ng accountability sa mga opisyal pero hinamon ni Magno ang publiko na panagutin ang mga kongresistang nagkibit-balikat sa isyu ng impeachment ng pangalawang pangulo.
Hanggang 5:00 PM din lang ang ibinigay na oras sa pagpo-programa ng iba’t ibang grupo sa EDSA Shrine.