
CAUAYAN CITY – Isa sa mga problema na madalas ireklamo sa barangay Naganacan, Cauayan City ay ang hindi pagbabayad ng utang sa mga lending.
Ayon kay Kagawad Marcelo Pascua, maraming mga nagpapautang ang dumudulog sa kanilang opisina dahil ilan umano sa kanilang mga pinautangan ang hindi nagbabayad.
Sa ganitong mga pangyayari, hinahayaan muna nilang ayusin ang isyu sa pagitan ng mga umutang at nagpautang.
Kung hindi man maayos, tsaka nila ito pinag-uusap sa barangay hanggang sa magkasundo ang mga ito.
Maliban dito, sinabi ni Kagawad Pascua na wala ng naitatalang problema sa kanilang barangay kung kaya’t napapaatili ang maayos at mapayapang sitwasyon sa kanilang lugar.
Facebook Comments