Pinaiimbestigahan ni Senior Citizen Partylist Representative Francisco Datol ang mabagal na pagbibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng pensyon sa mga Senior Citizens mula pa noong 2019.
Ayon kay Datol, nakatanggap ng maraming reklamo mula sa mga senior citizens ang kanyang opisina na hindi pa na-i-re-release ng ahensya ang kanilang buwanang pension mula pa noong nakaraang taon.
Naghain ng House Resolution 656 ang kongresista na layong ipatawag at pagpaliwanagin ang DSWD sa mabagal na pamamahagi ng pensyon ng mga lolo at lola.
Noong 2019 aniya ay may inilaan na P23 Billion na alokasyon para sa pension program ng nasa 3.796 Million na indigent seniors.
Giit ni Datol, may sapat na panahon naman ang DSWD para naipamahagi na sana ang P500 buwanang pension ng mga mahihirap na seniors sa bansa.