Hindi pagbigay ng labi ng labor organizer na si Jude Fernandez sa kanyang pamilya, kinondena ng isang kongresista

Mariing kinondena ni Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas ang umano’y pagtanggi ng Philippine National Police (PNP) na ibigay ang labi ng labor organizer na si Jude Fernandez sa kaniyang pamilya.

Bunsod nito ay hinamon ni Brosas ang Malacañang na tuparin ang inihayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na magkakaroon ng isang malaliman at patas na imbestigasyon sa nangyaring pagpatay kay Fernandez na binaril sa kaniyang tahanan sa lalawigan ng Rizal.

Base sa report ng PNP, nanlaban umano si Fernandez habang isinisilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban sa kaniya.


Punto ni Brosas, paano mangyayari ang patas at malalimang pagsisiyasat kung hinaharang umano ng pulisya ang paglalabas sa bangkay ni Fernandez para maisailalim sa independent autopsy.

Facebook Comments