Hindi pagkakabilang ni Rep. Garin sa House Ways and Means Committee, sinagot ni Speaker Velasco

207

Naniniwala ang kampo ni House Speaker Lord Allan Velasco na ang “ober-the-bakod” ni AAMBIS-OWA Partylist Rep. Sharon Garin ang dahilan kung bakit hindi ito nabigyan ng pwesto sa House Ways and Means Committee.

Si Garin ang kontrobersiyal na lady solon na sumuporta kay Velasco gayong kaalyado ito ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano.


Ang House Ways and Means Committee ang target na pwesto ni Garin na inuukopa ni Albay Rep. Joey Salceda pero bigo itong maibigay sa kaniya.

Sa ngayon, hindi na kabilang sa binuong House contingent para sa bicam sa 2021 budget si Garin na una nang naitalaga noong 2020 budget.

Facebook Comments