Manila, Philippines – Hindi malaking issue para sa Palasyo ng Malacañang ang hindi pag-imbita umano ng Group of 20 o G20 kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa nangyaring pulong sa Germany na dinaluhan ng mga state leaders ng mga major economies ng buong mundo.
Ang G20 ay binuo para magkaroon ng international financial Cooperation ang 20 miyembro kabilang dito ang European Union.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi talaga iniimbita ang mga dumalo doon dahil nag-lolobby ang mga ito para makadalo sa nasabing pulong.
Paliwanag ni Abella, nagkataon din na prerogatibo ng G20 na sila ang mag-iimbita depende sa kanilang kagusuhan.
Alam naman aniya ng lahat na si Pangulong Duterte ay hindi tipo ng tao na nagpapatakbo ng sariling ekonomiya at hindi humihingi ng approval ng iba.
Sinabi ni Abella na ang istilo ni Pangulong Duterte ay patakbuhin ang sariling bansa at nakikita naman na maganda ang epekto nito sa ekonomiya ng bansa.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558