Hindi pagkakaintindihan ng mga miyembro ng PDP-Laban, maituturing na normal

24

Itinuturing na normal ng isang pinuno ng Partido Demokratikong Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan sa kanilang grupo.

Kasunod ito ng ginanap na National Assembly ng PDP-Laban sa Cebu kung saan ayon kay PDP-Laban Vice Chairman Alfonso Cusi ay nagkaroon ng paglabag sa party’s constitution.


Sa interview ng RMN Manila kay PDP-Laban Vice President for External Affairs Atty. Raul Lambino, sinabi nito na normal lang sa mga political party ang hindi pagkakaunawaan at pagkakaroon ng iba’t ibang pananaw.

Bagama’t kasi aniya nagyayari ito ay madali naman itong masolusyunan sa pamamagitan ng pag-uusap.

Facebook Comments