Nagpaliwanag ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung bakit hindi pare pareho ang halagang matatanggap ng mga driver ng mga pampublikong transportasyon bilang fuel subsidy.
Ayon kay LTFRB technical division chief, Joel Bolano na nakabatay kasi ito sa dami ng ginagamit na langis o gasolina ng ibat ibang uri ng pampublikong sasakyan o itong operational cost.
Inihalimbawa ni Bolano ang modernong jeepney na maliban sa kinukunsumong gasolina ay mayroon pang binabayarang amortization, na wala sa mga tradisyunal na jeepney.
Habang ibang mga pampublikong sasakyan, katulad ng tricycle o delivery riding vehicles ay kakaunti lamang ang konsumo sa langis o gasolina.
Paliwanag ni Bolano na one time lang ang pamamahagi ng fuel subsidy at hindi na hinati hati pa sa ilang yugto dahil kailangan na ito ngayon.
Samantala, sa loob ng isang taon, isang beses lamang ang pamamahagi ng fuel subsidy batay na rin sa alokasyong nakapaloob sa 2023 general appropriations act.