Nanawagan sa Pilipinas ang pamahalaan ng Brunei na huwag silang isama sa deployment cap ng mga Pinoy healthcare worker ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon kay Labor Attaché Melissa Mendizabal ng Philippine Overseas Labor Office (POLO), kailangan ng Brunei ng 200 nurse at 30 doktor para madagdagan ang healthcare workers sa kanilang bansa.
2020 nang unang humiling ang Brunei ng exemption sa deployment cap ng Pinoy healthcare workers pero hindi ito napagbigyan.
Hanggang nitong July 2021 ay muling nagpadala ng sulat ang naturang bansa.
Ayon kay Mendizabal, hindi nalalayo ang sahod ng hospital staff sa sinasahod ng mga nurse sa Singapore.
Maliban sa mga health workers, naghahanap din ang Brunei ng mga Filipino workers para sa oil and gas at household service sectors.
Ang mga kawani sa oil and gas sector, kabilang ang mga engineer at architect ay makakatanggap ng sahod na mula 5,000 hanggang 10,000 Brunei Dollars o katumbas ng
Sa ngayon, nasa 20,000 overseas Filipino workers ang nasa Brunei.