Manila, Philippines – Naiintindihan daw ni PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa ang nararamdaman ni Davao City Mayor Sara Duterte na hindi pagpabor sa paglilipat sa mga Davao Police patungong Caloocan City.
Ayon kay PNP Chief Dela Rosa, kawalan naman ng alkalde kung hindi siya papabor sa kagustuhan niyang mailipat sa Caloocan ang ilang police Davao.
Sa huli naman aniya, choice o nasa mga pulis Davao naman kung gugustuhin nilang mailipat sa Caloocan.
Una nang sinabi ni Dela Rosa na boluntaryo o hindi sapilitan ang pagtatalaga sa ilang pulis Davao sa Caloocan.
Kaya hindi aniya lahat ng maitatalaga sa Caloocan ay galing sa Davao.
Paliwanag pa ng opisyal, mahirap maghanap ng matitinong pulis na sasanayin pa mula sa simula hanggang matapos.
Sa ngayon, patuloy ang panawagan ni PNP chief sa mga pulis na magboluntaryong magpatalaga sa Caloocan.
Matatandaang isang libong pulis Caloocan ang sinibak kamakailan dahil sa mga kontrobersyal na pagpatay umano sa mga menor de edad.