Hindi pagpapalabas sa mga bata sa loob ng dalawang linggo upang hindi kumalat ang COVID-19, labag sa kanilang karapatan ayon sa UNICEF

Iginiit ngayon ng United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) na ang hindi pagpapalabas sa mga menor de edad sa loob ng dalawang linggo upang hindi kumalat ang COVID-19 ay makokonsiderang paglabag sa karapatan ng mga bata.

Ayon sa UNICEF, bagama’t kinikilala nila ang mga hakbang ng gobyerno upang labanan ang COVID-19, labag pa rin sa karapatan ng mga bata ang hindi pagpapalabas sa kanilang.

Dapat din aniya ikonsidera ng Metro Manila Council at Metropolitan Manila Development Authority ang kapakanan ng mga bata lalo na’t may malaking epekto ito sa psycho-social at mental health nila.


Punto pa ng UNICEF, dahil sa lockdown ay nawalay ang mga bata sa kanilang extended families at kaibigan.

Facebook Comments