Hindi pagpapatupad ng 100% na face-to-face classes sa mga SUCs, ikinagalit ni Senator Pia Cayetano

Ikinagalit ni Senator Pia Cayetano ang hindi pagpapatupad ng 100% face-to-face classes sa maraming state universities at colleges sa bansa.

Partikular na nabuntunan nito si University of the Philippines President Danilo Concepcion kasunod ng pagdahilan nito sa blended learning sa unibersidad ay bunsod ng kautusan ng Quezon City LGU.

Hindi naman ito nagustuhan ni Cayetano dahil baligtad umano ito sa sinasabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa kaniya.


Paliwanag naman ni Concepcion, hindi pa kasi tinatanggal ng LGU ang physical distancing rules sa loob ng mga silid-aralan kaya kakausapin niya muna si Belmonte kaugnay rito.

Dahil dito ay nagbabala ang senadora na dapat ipakita nito na ginagawa ang lahat upang ipatupad ang face-to-face classes upang mapagbigyan ng budget.

Giit pa nito, hindi naman na ito pinagbabawalan ng Commission on Higher Education (CHED) at Inter-agency Task Force (IATF).

Facebook Comments