Hindi pagre-remit ng tamang kita ng PCSO, sisilipin ng Kamara

Manila, Philippines – Iimbestigahan ng Kamara ang umano’y hindi pagre-remit ng tamang kita ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pamahalaan.

Sa resolusyong inihain ni Quezon City Representative Precious Hipolito Castelo, sisiyasatin in aid of legislation ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang napaulat na mahigit P8 bilyong kita na hindi nire-remit ng PCSO sa national treasury.

Paliwanag ni Castelo, sa COA report mula 1994 hanggang 2016 ay kumita ang PCSO ng P16.85 billion kaya dapat at magbigay ito sa pamahalaan ng P8.42 billion.


Salig na rin sa Republic Act 7656, malinaw na kailangang ideklera at i-remit ng isang GOCC ang kanyang 50% kita kada taon sa pamahalaan, ito man ay cash, stocks o property dividends.

Sakaling mapatunayan na may paglabag na ginawa ang PCSO ay tiyak na mananagot ang mga nasa likod nito.

Facebook Comments