Suportado ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang hindi pagrekomenda ng Department of Health (DOH) sa pagsasagawa ng misting o spraying operation para mapatay ang virus.
Matatandaang pinatunayan ng DOH na walang sapat na ebidensyang sumusoporta na napapatay ng pag-spray na may halong disinfectant ang virus lalo na ang nakamamatay na COVID-19.
Ayon sa tagapagsalita ng DILG na si Undersecretary Jonathan Malaya, DOH ang siyang namumuno sa Inter-Agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases kung kaya’t nirerespeto nila ang abiso ng kagawaran.
Pinayuhan ni Malaya ang bawat Lokal na Pamahalaan na sumunod sa nasabing abiso.
Facebook Comments