Muling pinuna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hindi pagsama sa land reform program ng Hacienda Luisita sa Tarlac noong administrasyon ni dating Pangulong Cory Aquino.
Sa kanyang talumpati sa Capiz, ayon sa Pangulo – nakasaad sa batas na dapat ipamahagi sa mga tao ang lupa na nararapat sa kanila.
Ang Hacienda Luisita ay mayroong 6,435 hectares pero ilang bahagi nito ay naibenta na sa industrial companies.
Noong August 27, nakumpleto ni Pangulong Duterte ang pamamahagi ng natitirang 112 ektaryang lupa ng hacienda sa mga benepisyaryo nito.
Facebook Comments