Hindi pagsunod ng DPWH sa paglilipat ng pondo at tungkulin sa LGUs, sinita sa budget hearing ng Senado

Hanggang papel lang ang umano’y pagsunod ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa direktiba ng Korte Suprema at Malacañang na i-devolve o ilipat ang ilang tungkulin at pondo nito sa mga lokal na unit ng pamahalaan sa 2022.

Sinita ito ni Senador Panfilo “Ping” Lacson sa pagtalakay ng Senado sa 2022 proposed budget ng DPWH na nagkakahalaga ng P686.1 bilyon.

Napuna ni Lacson na sa latag ng budget ng DPWH para sa 2022 ay ang central office pa rin nito ang hahawak sa mga pondo na nakalaan sa items at mga proyekto na dapat ilipat na at ipatupad mismo ng mga Local Government Unit (LGU).


Paliwanag ni Lacson, taliwas ito sa Mandanas Ruling ng Korte Suprema na isang oportunidad para mabigyang kapasidad ang mga LGU.

Facebook Comments