Isinisisi ng Department of Health sa hindi pagsunod ng publiko sa minimum health standards ang muling pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kinakailangang baguhin ng publiko ang kanilang pananaw lalo na’t marami na aniya ang hindi sumusunod sa protocols.
Dagdag pa umano rito ang mga bagong variants na mas mabilis kumalat kung kaya’t asahan talaga ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Nitong nakalipas na Biyernes ay nasa 52 kaso ng South African variant ang naitala ng Department of Health kung saan 41 dito ang nagmula sa Metro Manila.
Habang umabot na sa 118 na ang total cases ng UK variant at 42 pasyente naman ang nakitaan ng iba pang mutations.
Facebook Comments