Hindi pagsusuot ng face mask, nangungunang violation sa public health standards – PNP

Nangungunang paglabag sa minimum public health standards ang hindi palaging pagsusuot ng face masks.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Debold Sinas, mula Agosto 2020 hanggang March 2021, numero unong paglabag sa buong bansa ang hindi pagsusuot ng face mask.

Nakapagtala ang PNP ng 112,587 mask violations kumpara sa 118,021 social distancing violations.


Sa kabuoan, aabot 1,503,273 public health standards violations ang naitala sa buong bansa.

Facebook Comments