Hindi pagsusuot ng face shield, nangungunang quarantine violation sa NCR plus – PNP

Nangunguna pa ring violation sa pagpapatupad ng mahigpit na community quarantine ang hindi pagsusuot ng face shield.

Sa datos ng Philippine National Police (PNP) aabot sa 26,939 individuals ang sumuway sa COVID-19 health protocols.

Mula sa nasabing bilang 14,122 ang bigong magsuot ng face masks habang 341 ang lumabag sa pagbabawal sa mass gathering.


Ang mga hindi nakasunod sa social distancing ay nasa 4,740.

Ayon kay PNP Chief Police General Debold Sinas na ang mga lumabag sa health protocols ay binigyan ng warning, o pinagmulta.

Nasa 6,603 na indibiduwal ang lumabag sa Republic Act 11332 o Law on Reporting of Communicable Diseases.

Nasa 11,325 ang hindi pinayagang makapasok sa NCR plus bubble habang 15,247 ang hinuli dahil sa pagpapanggap bilang Authorized Person Outside Residence (APOR).

Facebook Comments