Hindi pagsusuot ng facemask at paglabag sa iba pang health safety protocols, namomonitor ng JTF COVID Shield

Nagbabala ang Joint Task Force COVID Shield sa publiko na huwag maging kampante at patuloy na sundin ang mga health safety protocols.

Ito ay sa harap na rin ng kanilang obserbasyon na may mga indibidwal na hindi na nagsusuot ng facemask at nagsisimula nang mag-umpukan sa labas ng bahay.

Ayon kay JTF COVID Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, mataas pa rin ang banta ng COVID-19 kahit pa halos lahat ng lugar sa bansa ay nasa General Community Quarantine (GCQ) o Modified GCQ na.


Giit ni Eleazar, kinakailangan ay palaging isaisip ang pagsusuot ng facemask, gawin ang physical distancing, palaging paghuhugas ng kamay at kailangang magpalit ng damit agad kapag galing sa labas ng bahay.

Sa ngayon, patuloy na nagpapatrolya ang mga pulis para sitahin ang mga lumalabag sa mga protocol.

Facebook Comments