HINDI PAGSUSUOT NG HELMET, NANGUNGUNANG DAHILAN NG ROAD TRAFFIC INJURIES

Nagpaalala ang Department of Health Region 1 sa publiko sa kaugnay sa mga aksidente sa kakalsadahan partikular na sa mga motoristang hindi nagsusuot ng helmet.
Batay kasi sa datos ng Department of Health (DOH), 93% ng mga naitalang road traffic injuries ay kinasasangkutan ng motorcycle at bicycle users na walang suot na helmet.
Sa Pangasinan, iniulat ng Pangasinan Police Provincial Office na naitala ang 499 aksidente mula Enero 1 hanggang Marso 15, mas mataas kaysa 408 noong parehong panahon ng 2024. Kabilang sa mga sanhi ay pagkawala ng kontrol, di pagsusuot ng helmet, at pagmamaneho habang lasing.
Ayon sa tanggapan, kapag naaksidente at hindi nakasuot ng helmet maaaring magkaroon ng head injury o kamatayan. Ayon sa mga eksperto, ito’y kayang iwasan sa pamamagitan ng wastong proteksyon.
Muling paalala ng awtoridad, driver man o backride, ang palagiang pagsuot ng DTI-approved helmet — saan mang lugar, anumang oras, para sa kaligtasan ng bawat publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments