Manila, Philippines – Naniiwala ang Palasyo ng Malacañang na hindi maaapektohan ang trade relations ng Pilipinas at ng European Union.
Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na tatanggap ng grants o pinansyal na tulong ang Pilipinas mula sa EU.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, magkaiba naman ang usapin ng grants at trade relations.
Sinabi ni Abella na patuloy na nagtitiwala ang business community sa ekonomiya ng Pilipinas dahil sa ganda ng takbo ng ating economic grounds.
Umaasa naman si Abella na magpapatuloy parin ang magandang pagtingin na ito ng business sector sa ginagawa ng administrasyong Duterte para mapaganda ang buhay ng mga Pilipino.
Facebook Comments