Nababahala si Senator Sherwin Gatchalian na posibleng tumaas ang singil sa kuryente dahil sa desisyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) na hindi ituloy ang regulatory reset ng distribution rate ng Meralco na sumasaklaw sa taong 2022 hanggang 2026.
Babala ni Gatchalian, Vice Chairman ng Senate Committee on Energy, kung walang reset ng rate ay hindi tutugma ang singil ng Meralco sa kasalukuyang kalagayang pang-ekonomiya ng bansa na maaaring humantong sa taas-singil sa kuryente.
Tinukoy ng senador na ang kasalukuyang Weighted Average Cost of Capital (WACC) ng Meralco ay nasa 14.97% at hindi na ito na-i-update mula pa noong 2015.
Giit ng mambabatas, hindi ito makatarungan sa mga consumer at hindi rin dapat magpatuloy ang 14% rate reset ng Meralco kung hindi ito ang aktwal na rate.
Pinagsasagawa ng Senador ang ERC ng pag- aaral na magbibigay daan sa regulatory body na maitugma ang rate ng iba’t ibang stakeholder sa sektor ng kuryente.