HINDI PAKAY | Planong imbestigasyon ni Senador Trillanes kina SolGen Calida at SAP Bong Go, hindi para gumawa ng batas – ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na hindi in aid of legislation ang tunay na pakay ng plano nitong imbestigasyon kung saan gusto nitong maisalang sa Senado sina Solicitor General Jose Calida at Special Assistant to the President Secretary Bong Go.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, produkto lamang ito ng pansariling interes ni Trillanes ang ipinapatawag na imbestigasyon.

Sigurado aniyang gagamitin lang ito ng Senador para mamulitika at hindi para gumawa ng batas na tunay na layunin ng mga imbestigasyon ng Senado.


Nabatid na gustong paimbestigahan ni Trillanes ang mga umanoy kontrata sa gobyerno ng mga negosyo ni Calida habang ang impluwensiya umano ni Secretary Go para mapaboran ang ilang proyekto ng kanyang kaanak.
Pero sinabi ni Roque na iginagalang ng Malacañang ang desisyon ni Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon na isantabi muna ang hiling na imbestigasyon ni Trillanes kina Calida at Go sa kadahilanang mas maraming trabaho na dapat unahin ang Senado.

Facebook Comments