
Pinuri ni House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Lorenz Defensor ang hindi pakiki-alam ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa nalalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Diin ni Defensor, na miyembro din ng house prosecution team, ang pasya ni PBBM ay nagpapatibay sa prinsipyo ng separation of powers at nagbibigay-daan sa isang makatarungan at independent na paglilitis sa ikalawang pangulo.
Ipinunto ni Defensor na bilang pinakamakapangyariyan sa bansa ay hindi maiwasan na maka-impluwensya ang Pangulo sa mga pagpapasya ng mga senador na aaktong mga huwes sa impeachment court.
Bunsod nito ay umaasa si Defensor na makakagawa ang mga senador ng makatarungan at walang kinikilingang desisyon sa kinakaharap na impeachment case ni VP Duterte.









