Hindi pakikipagtulungan ni Pangulong Duterte sa ICC, maraming ‘negative effects’ ayon sa isang senador

Binalaan ni Senator Minority Leader Franklin Drilon si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa desisyon nitong hindi pakikipagtulungan sa imbestigasyon ng International Criminal court (ICC) sa war on drugs ng bansa.

Ayon kay Drilon, magiging kawalan ni Pangulong Duterte ang hindi nito pakikipagtulungan sa ICC.

Habang kung hindi rin ito makikiisa, malaki ang posibilidad na hindi nito maipagtatanggol ang sarili.


Nanindigan naman ang ICC na hindi titigil sa pag-iimbestiga kahit na balewalain ito ni Pangulong Duterte.

Matatandaang una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na hinding-hindi makikiisa ang pangulo sa anumang imbestigasyon ng ICC dahil ayon dito hindi na parte ang Pilipinas ng Rome Statute kaya wala na itong kapangyarihang imbestigahan ang war on dugs ng bansa.

Facebook Comments