Hindi pakikipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC hinggil sa war on drugs, muling pinandigan ni Pangulong Duterte

Muling nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya makikipagtulungan sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa war on drugs.

Sa kaniyang talumpati sa inagurasyon ng Puerto Princesa Seaport Expansion Project, sinabi ng pangulo na kahit na mag-yelo na ang impiyerno ay hindi siya papayag sa kalokohan ng ICC.

Kung haharap man aniya siya sa korte at makukulong dahil sa drug war killings, dapat ito ay sa Pilipinas.


Giit pa ng pangulo, ang may karapatan lamang na humusga sa kaniya ay kapwa niya Pilipino at hindi niya pagbibigyan ang mga puti.

Kasabay nito, inako rin ni Pangulong Duterte ang resposibilidad sa pagpatay sa mga drug lord at mga alkalde na sangkot sa illegal na droga.

Hindi dapat aniya ang mga pulis o ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dapat makulong kaugnay nito dito sumusunod lamang ang mga ito sa kaniyang kautusan.

Facebook Comments