Inanunsyo ng Quezon City Local Government Unit (LGU), na mula Hulyo 27 hanggang Agosto 2, naitala ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng kaso ng leptospirosis sa lungsod Quezon.
Sa ulat ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, sa nakalipas na dalawang linggo naitala ang 22 kaso ng leptospirosis, 10 kaso o 45% dito ay naitala sa isang araw lamang noong Agosto 1.
Sa partikular na panahon lamang, ay may pagtaas ng 533% na mga kaso ang naobserbahan kumpara sa nakaraang linggo mula Hulyo 20 hanggang 26.
Sa ngayon, umabot na sa 69 ang kaso ng leptospirosis sa lungsod. Mula Enero 1 hanggang Agosto 2, 2023. Pito na ang kumpirmadong leptospirosis death cases.
Payo pa ng City Epidemiology Surveillance Unit (CESU), sinuman ang makaramdam ng sintomas ng leptospirosis, ay kailangang pumunta kaagad sa pinakamalapit na health center o pagamutan para mabigyan ng karampatang lunas.