Maituturing na panalo para sa Pilipino ang hindi pagsingil ng Maynilad at Manila Water sa gobyerno ng aabot sa 11 Billion Pesos na danyos.
Ayon kay Vice President Leni Robredo, malaking benepisyo ito para sa publiko dahil ang pera ng gobyerno at pera ng taumbayan.
Matatandaang naglabas ng desisyon ang Singapore Arbitration Body kung saan inaatasan ang gobyerno na bayaran ang nasabing danyos ang dalawang Water Concessionaires dahil sa pagkalugi nito sa hindi naipatupad na taas-singil sa tubig. Noong June 2015 hanggang November 2019.
Pero nagdesisyon ang Maynilad at Manila Water na hindi na nila sisingilin ang gobyerno, maging ang pagpapatupad ng Water Rate Adjustment na nakatakda sa Enero.
Facebook Comments