HINDI PAPALPAK? | 15 na tren, naka standby na sa deployment ng MRT line 3

Manila, Philippines – Handa na ang labinglimang tren ng Metro Rail Transit (MRT) line 3 na magserbisyo sa mga commuters matapos ang isinagawang Holy week maintenance.

Sa media advisory ng MRT 3 management, iniulat nito na apatnaput pitong Light Rail Vehicles (LRV) ang handa para sa deployment.

Unti-unti ang gagawing pag-angat sa mainline ng mga LRVs na sumasailalim na sa safety checks at test runs.


Kaninang 8am peak, nakapag-angat na ng labing apat na tren sa mainline.

Dahil dito, aabutin ng pitong minuto ang pag aantay ng mga commuters para sa pagdating ng susunod na tren sa bawat station.

Facebook Comments