HINDI PAPAPIGIL | Kamara, itutuloy pa rin ang Cha-cha kahit ayaw ng Senado

Manila, Philippines – Hindi papipigil ang Mababang Kapulungan sa pagsusulong sa pag-amyenda sa Saligang Batas kahit pa inaayawan ng Senado ang nais na hakbang ng Kamara na constituent assembly.

Paliwanag ni Alvarez, malinaw na nakasaad sa 1987 Constitution na 3/4 na boto ng Kongreso ang kailangan para sa people’s referendum at hindi sinabi na magkahiwalay na boto ang gagawin ng Senado at Kamara.

Iginiit pa ni Alvarez na kahit ayaw ng Senado ay tuloy pa rin sila sa kanilang trabaho sa Kamara at tatalakayin nila ang isinumiteng draft ng Constitutional Commission sa kukunin ang botong 3/4.


Hinamon pa ni Alvarez na kung may nais kumwestyon sa kanilang hakbang ay malaya naman na dumulog sa Korte Suprema.

Nauna rito, sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na magwa-walk out silang mga senador sa Lunes kung gagawing Constitutional Assembly ng Kamara ang joint session sa Lunes, araw ng SONA ng Pangulo.

Facebook Comments